Friday, May 11, 2007

Mail Call

The following was copied verbatim from my Inbox. Read on.

sang sulat para kay Kuya Jay (May 7, 2007)

Tol,

Sana pinapabasa ka nila ng dyaryo.

Sana umabot sayo ang mensaheng ito.

Alam naming mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Alam din namin na nagaalala ka sa pamilya. Ayos ang mag-ina. Matibay na hinaharap ng mag-uutol ang sitwasyon. At bibilib ka sa husay ni moms. Magu-gulat ka sa dami ng suporta. Kasama ang mga kaibigan, sama-sama naming hinaharap ang struggle na to.

Naalala mo nung kinulong si erpats, di natinag ang pamilya. Ngayon sa krisis na hinaharap natin lalong di matitinag ang pamilya. Huwag kang magalit na kinukwento namin sa mga kaibigan ang pagkain mo ng tutubi, ang pagiging pasaway mo nung bata ka pa. Kasi kailangan nila malaman na tao ka at di hayop tulad ng ginawa ng mga dumukot sayo.

Gusto ko lang sabihin sa'yo na tibayan mo ang loob mo. Tandaan mo na ang iyong paniniwala at paninindigan ay para sa nakakarami. Masmahusay at masmatapang ka sa mga may hawak sayo. Mga duwag at traydor ang dumukot sayo. Kung anuman ang ginagawa sayo para balewalain ang pagkatao mo ay alam mong mas tao ka kaysa sa pinapamukha nila sayo. Tibayan mo ang loob mo dahil nasa tama kang paninindigan. Huwag na huwag kang mag-aalala sa min. Ayos kami. At pinagyayabang ka namin. Isa kang mabuting tao at sinisigaw naming yan sa buong mundo.

Konting tiis pa tol at magkakasama nating titingnan ang pagsikat ng araw!

Para sa bayan!!! At para sa lahat ng biktima ng paglabag ng karapatang pantao!!!

JL

Si JL Burgos ay nakababatang kapatid ni Jay-Jay at isa sa mga unang naging miyembro ng UGAT Lahi. Siya ay isang visual artist at video editor. Isa sa mga walang sawang nakikiisa, tumutulong at nakikibahagi sa pagsisimula ng tutoK karapatan.

Si jay-jay ay si Jonas Burgos. Anak ng yumaong Jose Burgos tagapagtatag ng We Forum at Malaya newspaper mga independenteng puklikasyon ng panahon ng diktaduryang Marcos. Pinaniniwalaang dinukot ng elemento ng militar nuong Abril 28 2007 sa Ever Gotesco Mall sa Commonwealth si Jonas.

2 comments:

alfred said...

Jose Burgos? Yung pari?

donv said...

alfred, I believe the writer was referring to the late journalist and press freedom fighter Jose "Joe" Burgos, and not the Spanish-Filipino priest, part of the Gomburza trio, who was falsely accused of mutiny by the Spanish colonial authorities in the Philippines in the 19th century.